nakakita ako ng isang anghel
sa lupa'y gumagala
ako'y biglang natulala
nahulong nang aking panga
ngunit may isang problema
may gusto na siyang iba
ano kayang magagawa
para para mabihag ang puso niya?
lahat na ng sakripisyo ginawa ko
sa krus ako'y nagpapako
araw-araw nangunumpisal pa ako
konti na lang ako na'y isang santo
lumunok kaya ako ng bato
para ako'y magbagong anyo
makikilala mo ba ako
pag ako'y naging super hero?
wahaha mukha na akong tanga
baka mas lalo lang kitang mawala
titigialn ko na lang ito
at baka akalain mo ako'y gago
sana naman ay mangyari
ang aking mga hinihiling
ang laman ng lahat ng aking dalangin
sana nama'y pansinin
ngunit hindi nagkatotoo
nasugatan lang ang puso ko
kakahintay sayo
sapagkat noong nalaman ko...
naging kayong dalawa pala
nawalaan na ako ng pag-asa
ako'y sumuko na
sapagkat maligaya ka na
Saturday, July 21, 2007
Thursday, July 19, 2007
Argh!
grabe, dati nghahanap aq ng gawain. ngaun, boom. andami nila, at ndi ko alam ang aking uunahin...
no 1: filipino
grabe nmn ung gawain nmn sa filipino, nkakapagod. argh! lalo na qng npakarami nio, anghrap lalo n pag magme2et. ambaba nung chance n mabuo kau...
no 2: IP topic
xet! anghrap mgicp ng topic. nkakakamote nmn kc, lalo na kng ndi p kau ngdi2scuss abt d ip... damn!
no 3: palancas
argh! tnatamad aq gumawa ng palanca! wawsh, nakakakonsyensiya kc kng d aq mgbbgay...
no 4: mico's b-day
anghrap mag-aus ng b-day! lalo na kng ung communication ang prob... buti n lng b-day ko after ng test.:D
no 5: family matters
sigh... huhuhu... :((

Tuesday, July 17, 2007
my love story...
your eyes shine brightly in this dark night
my heart trembles just in your sight
my hand shakes when you pass by
your voice sounds just like a lullaby
i didn't have the guts to come near you
it took time before i got a clear view
of what it's like to be a lover
cause as i see, i also have to be a fighter
they say, patience is a virtue
i have nothing against it, simply because it's true
but my queen, you're giving me no clue
if my dream could possibly be true
i tried to go closer
but you tried to go farther
i've been waiting for so long
yes, for so long
obstacles have always been there
but it's fine to face adversaries
hindrance: it's a part of the game
and i'm ready to put my name to shame
and until my last breath, it's your name that i'll be saying
it's only you that my mind will be thinking
only you that made my life worth living
cause it's only you that keeps my heart beating...

Sunday, July 15, 2007
Valeriano Andres, June 12, 1939-July 13, 2007
alas-quatro y medya ng madaling araw. ginising ako ni ate, sinabi sakin na bilisan ko daw at tatawagan ako ni mama. medyo naguluhan ako sa mga sinabi niya. ako'y bumangon at narinig ko na may tumatawag. si mama nga ang tumawag. sabi sakin ni ate na kakausapin daw ako. sinabi sakin ni mama na bilisan ko daw ang pagkilos. parati niyang sinasabi sa akin iyon kaya medyo nayamot sa pagsabi ng "opo". sabay sinabi niya sa akin...
"patay na si tatang. namatay siya nung 1:20..."
ako'y nanlumo. nalungkot ako sa balita. kinagabihan lang ay dinala siya sa ospital kaya hindi ko ito inaasahan. masyadong marami ang ginagawa sa eskwelahan kay hindi kami nakapunta.
noong ako'y pumasok ay hindi ako nagpapakita ng senyales ng kalungkutan. ayokong kaawaan ako ng aking mga kaklase hindi dahil gusto kong ipakita na malakasako, ngunit dahil ayokong ipaalam na nagluluksa ako. dalawa lang ang binalitaan ko, sina pao at mico lamang....
hapon na at ako'y nakauwi na sa bahay. sabi ni mama ay pupunta daw kami sa lamay. ako'y naligo at naghanda, at kami'y tumungo sa punerarya.
habang kami'y papunta ay nakakadama ako ng kalungkutan. mabigat ang pakiramdam ko. siguro ay talagang nakakabigla ang balita. kay bilis lang talaga lumipas ng panahon.
kami'y nakarating doon at nang tinignan ko siya ay hindi ko napigilang lumuha. napakarami ng aking pagkukulang kay tatang. napakaraming pagkakataon na ipinagpapalit namin siya para sa aking mga personal na gawain. ako'y naging maramot sa kanya bilang isang apo.
naaalala ko noon, tuwing makikita niya ako'y lagi niya akong niyayakap at kinukulit. lagi niya akong tinatanong kung may gf na ba daw ako. sinasabi ko na wala. tapos sasabihin niya sa akin na dapat daw ay magkaroon na ako. nanghihinayang ako at hindi niya naabutan ang aking magiging kabiak.
isa pang naaalala ko sa kanya ay lagi niyang sinasabi na kapag nanalo daw siya sa lotto ay magbabakasyon daw kami sa ibang bansa. lagi niyang sinasabi yun, kaya lagi siyang tumataya sa lotto.
gusto ko sanang malaman niya kung gaano ko siya kamahal, ngunit huli na ang lahat bago ko pa man ito masabi sa kanya. hanggang sa mga litrato ko na lang siya makikita at sa panaginip makakasama. hanggang alaala na lamang, hanggang alaala na lamang.
sabado ng hapon ay bumalik kami. buong araw ay nandoon kami (maliban sa ilang oras na nagpunta kami sa bahay upang magpahinga't maligo). tinitignan ko siya at iniisip na tila kinakausap ko siya. ayokong umiyak, sapagkat iniisip ko na ayaw niya rin akong makitang umiiyak. masakit man, ngunit kailangang tiisin.
dumating ang linggo. araw na ng libing niya. kami'y bumalik sa bahay upang ihanda ang aming sarili. kami'y bumalik sa punerarya upang kumain at masaksihan ang pagsasara ng kanyang kabaong. mahirap pala talaga kapag ika'y mawawalay sa isang taong mahalag sa buhay mo. bawat sandaling nakasama mo ay muli mong aalalahanin at muli mong nanamnamin ang mga alaala hanggang ika'y mapaluha sapagkat alam mong hind mo na muling mararanasan ang mga ito.
nakarating na kami sa kanyang huling hantungan. dito ay binuksan ang kanyang kabaong sa huling pagkakataon. hindi ko na napigilang umiyak, sapagkat napakarami kong kasalanan sa kanya. hindi kaya ng konsyensya ko na isipin ang mga kakulangan ko. namanhid ako ng sarili kong kagustuhan.
pagkatapos ng misa ay inilibing na siya. tinakpan, at tanging mga dasal na lamang ang kanyang matatanggap.
ipagdasal po natin ang kaluluwa ng aking tatang na si Valeriano...

Subscribe to:
Posts (Atom)